
Minsan hindi ba parang nararamdaman mo na parang lagi kang nagiisa parang minsan wala silang pakialam sayo at parang minsan "You don't exist". Parang makikita mo halos lahat inalok pero Ikaw hindi, diba. And parang andito ka nga lagi pero parang lagi ka namang wala. Minsan naman you feel something pero sila, hindi nila napapansin, sasabihin pa nun "TALAGA" sabay talikod, diba nakakainis. Meron pa yan, kakausapin mo sila ang isasagot sayo isang malaking "HA!!!???" parang wala naman silang narinig, parang wala silang kausap. Isa pa, sa isang mahabang mahabang pila syempre theres a pair bawat isa, ang masama lang dun wala kang kasama, parang ikaw nga lang diba, parang ikaw lang ang gumagawa ng grupo na ikaw lang ang kasali, ikaw lang ang kasapi . And sometimes may isang beses na wala ka parang wala lang epekto sa kanila, parang normal lang, parang ... wala lang ... parang ... wala namang nagbago ahhh, minsan mapapatanong ka na lang "eka lang asan ba ko, kasama ba ko sa barkadahang to, DO I REALLY EXIST?". Parang ang hirap diba, ang hirap makisama sa mga taong ayaw naman makisama. Nakakainis diba.
Parang minsan mas ok pa na you settle alone. Kasi kahit naman sumama ka sa kanila parang wala ka naman, parang hangin ka lang kung ituring nila. Kaya nga parang mas ok pa na ikaw lang, Kasi kahit ikaw lang ayos lang kasi wala kang susundan o kahit na pakikisamahan. Pero kahit ganun you're still going to choose them, Friends mo sila ehhhh, pero ang tanong dun, do you feel belong ba, friends nga ba.
Kasalanan mo ba kung nd ka special, kung wala kang talent, wala kang mukang ipagmamalaki, nd ka matalino, o hindi ka man lang makagawa ng bagay, diba, kasalanan mo ba.
Yun nga ehhh loner ka na nga, na gusto magbago, masama ba yun. Masama bang misan na makaramdam ka man lang ng atensyon, atensyon na galing sa mga kaibigang itinuturing mong talgang sayo. Masama ba yon.