hmmm ilang araw nakong hindi nakakapagsulat dito ang tagal ng puno ang sched ko,,, hmmm,,, mukang marami akong ikwekwento,,, malapit na nga pala ang town fiesta namin. Ayan nanaman ang mga tiyanggian, kung saan maari kang bumili ng mga kagamitan sa mababang halaga. Nandiyan Narin ang perya. Pero nd pa ako nakakapunta doon, siguro pupunta ako doon sa araw ng fiesta. Lubhang pinaghandaan talaga ang fiesta namin ngayon. Makakakita ka halos kahit saang kalye ng banderitas at mga disenyong nagpapaalala na malapit na ang kapistahan. Siguradong magiging masaya ang fiesta ngayon. Dahil si Au ang bagong mayor namin. Ang inaakala ko nga ay wala nang paradang magaganap sa taong ito, dahil sa naririnig kong pinatititigil ito ng aming kasalukuyang mayor. May nababalita rin noon na walang tiyangge, perya, November fest at kung anu anu pa na sa tuwing kapistahan lang ng angono mayroon. Ngunit ngaun eto at nakahanda na ang lahat para sa magaganap na parada. Ito muna ang maikwewento ko. Salamat sa pagbasa.
0 comments:
Post a Comment