Friday, December 28, 2007

Not my Christmass

Christmas is Christmas we all now that but this year is not my Christmass. I feel absurdness when Christmas came... oh,,, quit it out,,, hmmm kwento ko na lang sa inyo mga nangyari sa Christmass ko mga maganda at mapangit na pangyayari:


Christmas Party, yan ang lagi nating maririnig kapag malapit na ang Christmas,,, at syempre ang school namen alam yan. Nung Christmas party maaga ako gumising para maghanda. Sinuot ko yung bagong bili sa akin ni mama na Jeans, kasama nun nagsuot ako ng black shirt na may nakatatak na RRJ (yun kasi yung brand ng shirt) and jacket. Ayun nagsimula at natapos ang Christmas party ng maayos, siguro naman nagenjoy sila. Pagkatapos ng party nagusap usap kami na pumunta ng SantaLucia. Ayun pumunta nga kami dun, pagdating dun diretso sa WOF (Worlds Of Fun). Ayun bumili ng ticket at bili rin ng token, ang hirap ngang sumakay kasi ang daming tao, me kasabay din kasi kaming school na nag Christmas Party, grabe ang dami kung nakitang weird magsuot. "Wow ROCKERS" nahehehe lagi namin sinasabi ni Deo wahahaha. Ayun nung maubos ang Pera "UWIAN NA" ang eksena. Paglabas nga lang namen gabi na, hirap pa naman sumakay ng Jeep. Tapos na sakyan pa namin ayos, ang kulit ng mga kanta. Sabay na alala ko me serve pa nga pala ako ng simbang gabi uwi agad ako at nagbihis. Ayon natapos ang misa ng maayos.

Pagkatapos ng Christmas party wala na kaming pasok kaya wala akong ginawa kundi magcomputer (hindi nga lang pumasok sa isip ko ang mag sulat sa blog).

Ayon nga bisperas na syempre bago ang misa ng bisperas panunuluyan muna. Sa mga hindi nakaka-alam yung panunuluyan ayon yung parang reenactment ng paghahanap ng matutuluyan ng Mary ang Joseph. Alam nyu ba kung ilan ang pinuntahan naming bahay mga 141 lang naman. Kakapagod, hmp kaya lang naman ako sumama kasi wala akong serve sa bisperas. Pero nakanood parin ako ng paglakad ng parol (actually ang ibig sabihin ng paglakad ng parol samin, ayun yung me 2 parol na ahhh basta ang hirap e-explain). Ang daming tao, hindi mahulugang karayum. Natapos nga ang misa ng maayos. Pagkatapos nagpapasko si Father Rodney ng malutong na 50 Php.
Paguwi ko me nakahanda na. Pansit malabon, Puto, Menudo, Barbecue, Ube halaya, at Buko pandan. Nyahe nabusog ako sobra sobra. Ayon natapos ang bispres na busog ako.

Nagising ako sa ingay ng mga tao sa baba namin ang ingay kasi. Kuamain, naligo, nagbihis, tapos bumaba. Daming taong dumadating nakikikain, namamasko at nakikibalita. Bago nga ako ma-bore nagcomputer na lang ako. Ayun nga lang nung Picture taking hindi ako kasali. Dami kasi tao sa loob bawat tingin ko sa barbecue laging ubos. Kwento nga ni mama nakikita daw nya ung mga bata ilangbeses ang balik sa barbecue. Nakakahiya naman yon. Kasi halos lahat naman ng magkakapatid andun pati pinsan hay naku. Ayun natapos ulet ang araw ng maaus me nakitulog pa nga samin. Hindi ko nga lang alam kung anu mga pangalan nila kay Kuya Earl(Yungcouz ko na sinasabi ko dun sa post ko na "Bryan MOVE it!!! MOVE it!!!") kasi sila dumidikit ehhh which I anxious for. Syempre hindi pa dun natatapos yon pagkatapos ng pasko me reunion pa kami sa darangan, pero bago kami pumunta dun me dumating pang magpapamilya, sandamukal. Sanga sanga ba naman ang nanduon. Hindi nga ako nakasama kasi pumayag ako na magbantay ng computer shop. Hindi ka rin naman daw makakain kasi ubos lagi ang hapag sabi nina tita.

Ayon na nga lang siguro ang mga nangyari sa kin ngayong pasko. MERRY CHRISTMAS.

1 comments:

sarimau said...

hmm, close family ties?

at hula ko, barbeque ang favorite ng angkan niyo..^_^

hmm, ang xmas ko naman ay naging normal na araw lang..basta nagkakasama-sama lang ang pamilya at kumakanta ng "let's all have a good time.." hehe..

any plans for next xmas?^_^